Saturday, September 11, 2010

Erap Joke Page I

Hinamon ni Erap si President Gloria sa live TV debate..

Erap: Pag meron ako tanong sa ito na dindi mo masagot,
kailangan bayaran mo ako ng P10! Pero kung meron ka tanong na
hindi ko masagot, babayaran kita ng P10,000!

Gloria: Game ako!
At nagsimula ang mga tanong...

Erap: Ano ang distansiya ng araw sa daig-dig?
Hindi maka sagot si Gloria at naglabas ng P10. Pagkatapos, si
Gloria naman ang magtatanong...

Gloria: Ano ang lumalakad ng apat sa umaga, dalawa sa tanghali, at
tatlo sa hapo?

Hindi maka sagot si Erap. tinawagan niya sa cellphone si Ernie
Baron pero walang masagot si Ka Ernie. Nag-text siya kay Loi pero
wala rin masagot ang Senadora. Nilabas niya ang kanyang laptop
para mag-surf sa Internet pero wala parin. Pagkatapos ng isang
oras, sumuko si Erap at naglabas ng P10,000. Nung pauwi na siya
lumapit siya kay Gloria..

Erap: Mareng Gloria, ano ba talaga sagot diyan?

Hindi sumagot si Gloria. Naglabas lang siya ng P10 at binigay kay
Erap...

No comments:

Post a Comment